Chapter 85

2652 Words

WALA nang lakas si Baldwin. Namamanhid na ang katawan niya dahil sa matinding sakit mula sa sandamakmak niyang sugat. Mata na lang ata niya ang walang latay. Ngunit ang pagsama ni Agatha kay Xander ay higit na nagdulot ng kirot sa kaniyang puso. Naintindihan naman niya bakit iyon ginawa ng dalaga, ngunit hindi niya maatim na malamang magpapakasal ito kay Xander. At hindi siya naniniwala na tutupad sa usapan si Xander na hindi siya nito papatayin. Hindi siya maaring mamatay roon. Isang araw at isang gabi na ang lumipas, humihilab na ang kaniyang sikmura. Nanatili siyang nakakadena habang nakatayo, walang iniinom na tubig, walang kinakain. Malamlam na ang kaniyang paningin. Labis na siyang nanghihina. Naaninag niya ang dalawang lalaki na naglalaro ng baraha sa gilid ng pintuan. Kahit anong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD