NAGISING si Baldwin dahil sa malamig na tubig na bumuhos sa kaniya. Pumiksi siya ngunit nakakadena ang kaniyang mga kamay habang nakadipa, ganoon din ang kaniyang mga paa. Hubad-baro siya kaya lalong nanuot ang ginaw sa kaniyang laman. Nangatal siya. Nabaling ang tingin niya sa matangkad na lalaking kapapasok sa pintuan kasunod ang tatlong armadong kalalakihan. Nakatayo sa gawing kaliwa niya ang lalaking bumuhos sa kaniya ng malamig na tubig. The tall guy looks familiar. Singkit ito at halatang may edad na. Humakbang ito palapit sa kaniya. Nakasuot ito ng itim na kamesita at denim pants. Kahit may edad na’y hubog pa rin ang maskuladong katawan. Katagalan na nakatitig siya rito ay unti-unti niyang natatanto kung sino ang kamukha nito. “Baldwin Cabrera, right?” he asked seriously. Hindi

