NAGISING si Agatha sa pulos puting silid. Pamilyar sa kaniya ang pasilidad, lalo nang makita niya ang nakasabit na dextrose sa gawing kaliwa niya. Nakakonekta sa kaliwang kamay niya ang suwero. Nang igalaw niya ang kaniyang ulo ay may namuong kirot sa kaniyang sintido. Napapikit siya nang mariin. She didn’t move. She heard the door open and close and a heavy footstep. She slightly opened her eyes and looked around. She caught Baldwin walking towards her. He smiled sweetly. “How’re your feelings?” he asked in a cold tone. Hinigit niya ang kaniyang paghinga upang matantiya ang kirot sa kaniyang ulo. “Masakit ang ulo ko,” aniya. “Hinimatay ka kanina. Mabuti hindi nabagok ang ulo mo sa bato.” Awtomatikong bumalik sa kaniyang isip ang nangyari bago siya nawalan ng ulirat. Ang mga senaryong

