NANG makahugot ng lakas ay pumihit si Agatha sa kaniyang likuran at akmang tutusukin ng handle ng mop ang lalaking nakatayo roon ngunit natigilan siya nang makilala ito. “Hey!” ani ni Baldwin habang salo ang handle ng mop. Unti-unti ring humupa ang kaba niya. Nabitawan niya ang mop at mahigpit na yumakap sa binata. “Thanks, God! You’re here!” mangiyak-ngiyak niyang sabi. “What’s wrong? Bakit ganiyan ang hitsura mo, at saka ang baho mo, amoy alikabok,” anito. Kumalas siya rito. She wiped her sweat on her forehead. “There’s a bad guy who came inside the house!” sumbong niya. Nanlaki ang mga mata ng binata. Nataranta ito. “Nasaan na?” tanong pa nito. “He escaped!” “Escaped?” Nangunot ang noo nito. “Eh kasi tinakot ko siya. Pumasok kasi siya sa kuwarto mo at may hinahanap. Mabuti naka

