MABUTI na lang may motorsiklo ang isa sa bodyguard ni Agatha. Ginamit ito ni Baldwin upang mahabol ang gunman. Maaring ibang gunman na naman ito pero may koneksyon pa rin sa leader na gustong patayin si Agatha. Kung wala si Clair, baka tinamaan si Agatha ng bala. Sa kasamaang palad, nagtaya ng buhay si Clair para kay Agatha. Samantalang hindi niya tinantanan ang gunman na lulan din ng motorsiklo. Nag-iisa lang ito at nakasuot ng itim na jacket at may bonnet sa ulo. He won’t let this asshole escape, and he will assure that they will catch the mastermind this time. Nakabuntot sa kaniya ang backup niyag undercover policemen lulan ng private car. Papasok na sa makitid na kalsada ang gunman. Maya-maya siya nitong binabaril, panay naman ang ilag niya. Itinudo na niya ang bilis hanggang sa pu