“AGATHA!” tinig ni Clair. Nagulat si Agatha kaya nawalan siya ng balanse. Nalaglag siya sa lupa, mabuti sa damuhan siya napaupo. Nilingon niya si Clair na palapit na sa kaniya. Inalalayan pa siya nitong makatayo habang tumatawa. “Ano ba ang ginagawa mo riyan?” tanong nito. Nang makatayo na siya ay nilingon niya ang lalaki. Nakatingin pa rin ito sa kaniya. Nagpatianod siya nang hilahin siya ni Clair. Naglakad sila sa hallway patungo sa classroom nila. “May good news ako,” nagagalak na sabi ni Clair. Nabaling dito ang atensiyon niya. Pilit na lamang niyang kinalimutan ang lalaking kahina-hinala ang kilos. “Anong good news?” aniya. “Tinawagan na ako ni Sir Lester. Interview ko na raw bukas ng hapon,” balita nito. Inalipin siya ng excitement. Sabay pa silang huminto ni Clair at nagyaka