LUNES ng umaga. Sa Shaturi hotel natulog si Baldwin dahil maaga silang aalis ni Agatha kasama si Ms. Yannah upang pipila sa banko. Noong isang gabi pag-uwi mula Tagaytay ay sinumpong na naman si Agatha ng kakulitan. Diyes oras ng gabi ay tinawagan siya ni Ms. Yannah at nagsumbong na nawawala kuno sa hotel room nito si Agatha. Iyon pala ay nagtago ito sa ilalim ng kama. Hindi ito umalis doon hanggat hindi siya dumating. Napuyat siya kakabantay dito haggang makatulog. Madaling araw niya itong iniwan kaya doon na siya natulog sa hotel ng ilang gabi. Ayaw rin kasi nitong kumain na hindi siya ang nagbabantay. But at least, she was contented with his presence. Okay na rito na hindi niya sabayang kumain. Habang nag-aalmusal ito ay nakatayo siya sa tabi nito. Aywan niya bakit ganoon ito kalapit