NAKATULOG sa biyahe si Agatha. Paggising niya ay wala na siyang katabi at hindi na umaandar ang sasakyan pero nakabukas ang pinto. Nataranta siya. Nagkandatisod pa siyang bumaba. Paglapag niya sa lupa ay natigilan siya nang masilayan ang nakamamanghang tanawin. “Wow!” tanging komento niya habang inililibot ang paningin sa paligid. She has surrounded by green plants, even the floor. The expansive lot was all-green. It felt refreshing. Namataan niya sina Yaya Helen at Blandon na naglalakad sa gilid ng malawak na tubig, it was the ocean! “Welcome to the clubhouse and golf club, Agatha!” Napalingon siya kay Yannah na siyang nagsalita. Sa ‘di kalayuan ay may pabilog na mataas na bahay na pink ang kulay. Napaligiran din iyon ng berdeng halaman. “Wow! I love this place, Yannah!” puno ng kag