BINUKSAN ni Baldwin ang maliit na pinto gamit ang susi na hiniram niya kay Agatha. Pagpasok niya ay walang kurap na sinuyod niya ng tingin ang makitid na pasilidad. The wall has a belt-in cabinet where you will find the different sizes of silver boxes. It was organized alphabetically and according to size. Sa stainless na lamesa ay may nakapatong na malaking kahon, a bronze box. Sinubukan niyang isuksok ang susi sa kahon. Nabuksan ito. Tumambad sa kaniya ang tambak na gintong alahas at gold bars. Halos lumuwa ang mga mata niya. First time niyang nakakita ng totoong treasure chest. “Wow!” tanging nawika niya habang nakatitig sa tambak na ginto. Napasugod din doon si Blandon at napa-wow sa nakita. Kahit sino namang makakita ng kayamanan ay masisilaw, pero hindi sila aabuso. Kinuha ni Blan