NASA airport na sina Baldwin at Blandon. Pauwi na sila ng Pilipinas. Alas-tress ng madaling araw nila nilisan ang Guaya Island. Wala nang dahilan para tumagal pa sila roon. Nakuha na nila lahat ng kailangan nila kaya kaagad silang bumiyahe. Naka-book din ang ticket nila sa araw na iyon pauwi ng Pilipinas. Ala-una ng hapon ang flight nila. Habang palipad ang eroplano ay nagbukas muna ng f*******: si Baldwin. May mensahe si Agatha sa messenger. Umangat na ang eroplano kaya kailangan nang mag-off ng cellphone. Pero biglang may bagong mensahe si Agatha. Agatha: “Baldwin, where na you? Please call me. Lumayas ako, and now I’m here at Clear’s house. I’m waiting for you.” Impit siyang napamura. Napasintido siya. “Bakit?” ‘takang tanong ni Blandon. “Lumayas si Agatha,” tugon niya. “Ano? Saa