NAGING busy si Agatha sa online class nito kaya si Baldwin ang gumagawa sa ibang paperwork nito sa opisina. Wala naman siyang problema sa ibang business nila dahil may kinuha nang magagaling na staff si Blandon. Nagtatrabaho rin si Lily sa ahensiya nila kahit malapit na itong manganak. Patuloy pa rin naman ang online class niya pero sa gabi lang. Mas kailangan siya ni Agatha sa Shaturi Group gayung nahahalata niya na marami pa ring abusado. Meron na rin silang wedding planner, ang venue ay sa Shaturi hotel. Napili naman nilang mag-honeymoon sa Bangkok, Thailand, doon sa nabiling lupain na resort na rin. Lunch break na. Tawag nang tawag sa kaniya si Agatha pero hindi niya magawang sagutin. Kausap kasi niya si Lester. Mahalaga ang pinag-uusapan nila dahil tungkol iyon kay Xander. “Sigurad

