HINDI na sumama si Agatha sa pagbenta ng ginto. Pauwi na rin kasi sila ng Pilipinas para sa pagpatuloy ng online class niya. Tatapusin daw muna niya ang isang taong pag-aaral sa Pilipinas bago mag-enroll sa mas malaking university sa US. Gusto rin naman niya iyon upang mas marami siyang matutunan. Pero bago siya mag-aaral sa malayo, kailangan ay magpakasal muna sila ni Baldwin. Ayon kay Blandon, baka aabutin ng dalawang linggo ang mga ito sa pagbebenta ng ginto dahil marami ring nagbebenta sa auction. Pero pagdating niya ng Pilipinas ay nag-chat si Baldwin at sinabi na naibenta na ng mga ito ang kalahati ng isang kahon na ginto. Mas marami umanong sure buyer sa US kumpara sa Italy. Mas malaki rin ang bidding sa US, lalo sa mga antic na ginto. Nakalikom na ang mga ito ng limang milyong do

