PAGKATAPOS ng exam ni Agatha ay dumiretso sila sa opisina. May tutorial pa ito kaya wala nang chance si Baldwin na makausap ito. Itong Xander naman ay inutusan na naman siya na ipag-drive ito. May bibisitahin daw itong kaibigan sa Pampanga. Nawala na ang pasa nito pero idinadaing pa rin ang sakit ng katawan. Beach resort ang pinuntahan nila. Japanese businessman ang katagpo nito roon. Naglaro pa ng golf ang mga ito. Pinapakiramdaman niya ang mga ito. They were talking in Japanese language. Wala siyang maintindihan. Pagkatapos ng laro ay nagpahinga ang mga ito sa restaurant. Nasa kabilang lamesa siya pero nakamasid siya sa mga ito na may tinitingnang papeles. Maaring business-related ang paksan ng mga ito, maari ring monkey business. Pasimpleng kinunan niya ng litrato ang dalawa at nai-z