PABILING-BILING lang sa kama si Agatha. She can’t sleep. She just checking for her phone and waiting for Blandon to call her, but he didn’t. Mag-uumaga na. Kung anu-ano na ang pumasok sa kukoti niya bakit hindi siya tinawagan ni Blandon. Umupo siya nang may maisip na kakaiba. “Nako! Baka kinain na ng ghost si Blandon!” bulalas niya. Tinawagan niya ito ngunit walang sumasagot. Tila may pumapalo sa dibdib niya. Tinawagan pa niya si Yannah pero hindi rin sumasagot. Lalo siyang hindi makatulog. Latang-lata si Agatha pagpasok ng opisina. Dalawang oras lang ata ang tulog niya. Wala siyang ganang kumain. Ayaw rin niya ng mga pagkain sa restaurant. Mabuti na lang dumating si Yaya Helen kasama si Kilawin. Pinagluto siya nito ng sopas na walang milk. It has gritted while corn and spinach leaves.