EXCITED na si Agatha na tawagan si Blandon kaya ang bilis niyang sumubo ng pagkain. Kasama niya sa hapunan si Yaya Helen at Kilawin. Kuwento nito, umuwi raw muna sa Ilocos sina Ate Susan at Ate Antonia dahil wala namang trabaho sa mansyon. Nalungkot siya sa nalaman. Gusto pa rin naman niyang makasama ang mga iyon kasi masaya. Umalis daw si Blandon kaya wala ito roon sa hotel. Paano sila magkikita? Basta tatawagan niya ito. “Dahan-dahan lang naman sa pagsubo, Agatha. Baka mabulunan ka na naman niyan,” saway ni Yaya Helen. “I have something to do in my room, Yaya. Later, Kilawin will sleep in your room,” nakangiting sabi niya. “At ano naman ang gagawin mo? Magpupuyat ka na naman?” “Nope. Basta.” “Nako! Kinakabahan ako riyan sa basta na ‘yan, ah.” “Don’t worry, Yaya, I’ll be fine.” “O