SNACKS lang naman ang baon nila at red wine, soda. Nakikinig si Agatha sa kuwento ni Blandon tungkol sa dati nitong trabaho. Wala siyang ideya kung ano ba talaga ang ginagawa ng sundalo. Ang alam niya ay pumapatay ng tao ang mga ito katulad sa movie na napanood niya. Nalungkot siya nang malamang patay na rin pala ang daddy at mommy nito. May kapatid daw itong lalaki. Pareho pala sila na walang mommy at daddy. Hindi rin nila nagamit ang lamesa dahil sa sahig sila umupo habang nakatanaw sa maraming ilaw na bundok. “Siguro maganda ang mommy mo, no?” gagad niya. “Yes, maganda siya kahit picture lang niya ang nakita ko.” Matamang tumitig siya rito. “Why?” “She died after giving birth.” Naalala niya rin ang mommy niya. Namatay rin daw iyon matapos siyang ipanganak dahil may sakit sa puso.