INIWAN ni Xander ang pagkain sa paanan ni Agatha. Tumayo ito at hinarap ang pumasok na lalaki. Matangkad ang lalaki, halatang may edad na. Ga-balikat ang aalon-alon nitong buhok, singkit ang mga mata at malaki ang katawan. “Don’t dare hurt that woman or do something not good,” anang lalaki. “Dad, this girl broke me,” ani ni Xander. Dad? Ang lalaking iyon ang ama ni Xander? Nang ayusin ng ginoo ang buhok nito ay saka niya napansin na magkamukha ang dalawa. “You already claimed your revenge against her, son. Just kill her once we got the code for the underground facility,” sabi ng ginoo. Nagmura si Xander. “I’m not interested with the Mitsuki treasure, Dad. And I won’t kill Agatha. I will marry her,” giit ni Xander. Nanlaki ang mga mata ng ama nito. Lalo namang nilalamon ng takot ang

