MABIBILIS kumilos ang police agents ng Bangkok. Sumugod kaagad ang mga ito nang makapasok sa teritoryo ng kalaban. Nakapasok na rin sila sa rest house ng mga Hisoka pero sinagupa sila ng mga tauhan ni Kiro. Malalakas na uri ng baril ang ginagamit ng mga ito. Kasama ni Baldwin si Blandon na pumasok sa tatlong palabag na bahay. Ang laki nito kaya malawak ang nakukublian ng kalaban. He needs to find Agatha first. Kalibre kuwarenta y singko lang ang gamit niya pero may baon siyang magazine na puno. Hapang paakyat ng hagdan ng second floor ay sinalubong sila ng limang armadong lalaki. Mabuti nauhana nila itong magpaputok. Mas malakas ang armas na dala ni Blandon. Idinaan niya sa bilis ng pagbaril ang kalaban. May sumunod na pulis sa kanila kaya malaya silang nakaakyat. Pagdating sa second fl

