SIXTEEN: "Haha. Serves you right, asshole!" NAPATINGIN ako sa gawi ng mga kalalabas lang sa lift at ngayon ay naglalakad dito sa pasilyo. Ang amo kong General Manager na si Zander Jahmal Wynnfor at kasama niyang babae. Hindi ko maiwasang humanga hindi lang sa amo ko kundi pati na rin sa kasama niyang babae. Well, of course, as usual Zander's in his office suit, and the lady he's with right now is wearing a baby pink bubbly maxi dress. "Ang ganda naman niya... 'Yan na ba ang girlfriend ni General Manager?" tanong ko sa kasama kong si Danette nang hindi pa rin inaalis ang paningin ko sa dalawang paparating. Maganda ito, and yeah, aaminin kong kasing level ng ganda nito ang malakas ring dating ni Zander... Bagay sila... "Naku, anu ka ba! Hindi 'no! Kapatid 'yan ni sir Zander, si miss Nat