SEVENTEEN: "Visiting your brother." "SASHA?" Nag-angat ako ng tingin sa pamilyar na boses ng taong tumawag sa akin. Kasalukuyan akong nasa kalagitnaan ng trabaho ko sa aking desk at tuwang-tuwa nang makita ang isa sa mga kaibigan ko dito mismo sa pinagtatrabahuhan ko! "Rick!" hindi ako makapaniwala! Who would thought na magkikita kami dito sa San Pablo lalo na't dito pa talaga sa workplace ko! Natutuwang lumapit siya sa akin at ako rin ay masayang-masaya siyang nilapitan. "Anong ginagawa mo dito sa San Pablo? Kung saan-saan ka namin hinanap, nandito ka lang pala!" aniya. Tumango ako. "Oo." "Pa'no? Ba't ka napunta rito? At anong trabaho mo?" sinulyapan niya ang desk ko. "Sekretarya?" "Oo, basta, Rick, mahabang kwento." "Damn! Ba't ka pumayag na mag-sekretarya gayong tagapagmana k