Kabanata 37 Carlson Del'toree Two years later.. Tulak ko ang pushcart habang tahimik na lumiligid sa mga estante kung saan naroon ang mga de lata nang tumunog ang cellphone ko. "Um..hello?" "Were fine, saka nag go-grocery lang naman kami ni Carl." Kamot ko ang noo habang kausap ito sa cellphone. "Stop being paranoid Rex, hindi bagay sayo." Umirap akong tulak-tulak ang push cart, habang naka upo roon ang dalawang taon ko nang anak. "Alright, bye!" Mabilis kong paalam dito na umikot pa muna ang eyeball bago ko ibaba ang tawag. Sinilip ko ang anak kong busy sa hawak niyang bottled milk, na nakatingala saakin. Di ko mapigilang ngumiti rito ng matamis, dahil kuhang kuha niya ang imahe ng kanyang ama. Pinanganak ko si Carlson, by a cesarean section, paano'y ayaw bumuka ng sipit-sipitan