Kabanata 38 Take him back "Sinong Carlson?" Napahinto ako sa paghakabang nang marinig ang tanong niyang iyon. Ibig sabihin ay hindi niya alam na may anak kami? for pete sake saang lupalop ba siya nag punta, at hindi niya alam ang tungkol saamin? Walang nagsalita sa mga ito kaya pinasya kong ihakbang mga paa para lisanin ang likod bahay. Pagpasok ko sa loob ay agad akong umakyat paitaas at nabungaran ko roon si Cherry na agad ko namang pinababa. Ngunit di pa ako nakakatalikod nang pumasok sa loob ng silid si Dawzon na madilim ang mga mata. Magsasalita sana ito nang makita ang batang mahimbing na natutulog sa crib. Nilapitan niya ito at ilang minuto ring pinagmasdan. "Who's the father?" Napamulagat ako sa tanong niyang iyon. Kinailangan ko pang mag-ipon nang hangin sa dibdib bago m