"WHO are you, people? Why are you doing this to us?" May takot man siyang nadarama sa oras na iyon ay hindi nagpahalata. Nasa park sila ng mga alaga kaya't hanggat maaari ay ayaw niyang ipahalata ang takot. "So, ikaw pala ang Yaya ng mga iyan, Miss? Hmmm... Hah! Mga magnanakaw!" Panlalait ng mga kapwa Turkish sa kambal at kay Katrina. Hindi lang iyon! Hinablot pa ang mga kuwentas na suot-suot ng mga alaga! "Madam, give me back those necklaces. It belongs to my masters!" malakas na rin niyang sabi. Kaso muli itong sumigaw na wari'y sinasadyang magtawag ng viewers. "HINDI lang kayo mga hampas-lupa kundi magnanakaw pa! Alam n'yo ba kung kanino ang kuwentas na ito? Pag-aari ito ng mga Koc!" sigaw ng basta na lamang sumipa kay Katrina. Masaya silang naglalaro ng kambal sa swing ng park

