"HAY*P ka, Jafarri! Wala ka talagang kuwentang kausap!" Galit na galit ang kapatid dahil sa hindi niya pagtupad sa usapan. Ngunit bakit niya iyon gagawin? Samantalang kahit ito ay walang isang salita. Sinabing tutupad pero pagdating pa lamang niya sa park ay nakapuwesto na ang mga assassins na papatay sa mga inaanak. "Masakit ba, big brother? Bakit hindi mo isiping mabuti kung bakit hanggang sa kasalaukuyan ay hindi mo maitumba-tumba ang kaibigan ko? Wala ka ngang nagawa noong ginawang surrogate mother ang sinagip sa karagatan eh." Hindi rin siya nagpatalo. Dahil totoo naman ang sinabi niya. Kaso sa tinuran niyang iyon ay muling dumapo ang kamao nito sa kaniyang mukha. "Iyan lang ba ang kaya mong gawin, big bro---" "Huwag na huwag mo akong matawag-tawag na hig brother dahil wala ka n

