Sabrina "Hindi pa ba tayo magsisimula? Madami ng tao ang naghihintay," si Dad ng lumapit sa amin ni Georgina, kasama ang anak ko na karga-karga n'ya. "Magsisimula na nga po Dad," sagot ko. Tinawag ko na s'yang Daddy, dahil napatawad ko na s'ya, matagal na. Eksaktong anim na buwan na ang nakalipas simula ngayon ng malaman ko na s'ya ang tunay kong ama. Naisip kong maigsi lang ang buhay, kaya hindi dapat galit ang pairalin ko, kailangan ko rin tingnan ang good side ng pangyayari. Naalala ko pa noon ng unang tawagin ko s'yang Daddy, umiyak talaga s'ya habang tumatawa. Ang epic lang ng itsura ng tatay ko noon. "Nadinig mo 'yun apo ha? Magsisimula na raw sina Mommy mo," sabi ni Dad sa anak ko na ngayon ay ngiting-ngiti. Siguro kanina pa n'ya kinukulit ang kan'yang Lolo Armando. "Yehey!
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books