Sabrina "Sure ka anak, kina Lola ka tatabi sa pagtulog?" tanong ko. Nandito kami sa k'warto n'ya sa condo ni Georgina, ito muna ang tutulugan nila Inay ngayon dahil wala naman ng ibang k'warto pa rito sa condo. "Yes po Mommy," sagot ng anak ko sa akin, bago tumingin sa likuran ko kung saan nakatayo si Georgina at ngumiti. Lumingon din ako kay Georgina na nahuli kong kumindat sa anak ko. "Tss! Sabi na eh, may usapan sila siguro ng anak ko," sabi ko sa isipan ko. Basa ko na ang mga paandar ng babae na 'to. Akala naman n'ya makakaisa s'ya sa akin. Neknek n'ya! "Okay sige, ikaw ang bahala anak, basta 'wag kang malikot d'yan kina Lola, matulog ka rin agad," sabi ko. "Yes po Mommy, behave po ako," sagot n'ya. "Nay, Tay, pahinga na po kayo. Good night po," sabi ko sa magulang ko. "Oo