Georgina "Anak, 'wag ka naman magsalita ng gan'yan sa ama mo," awat ni Mommy sa akin. "Hayaan mo na Marissa," sabi ni Daddy kay Mommy. Alam ko naman na sobrang bastos ko ng anak kay Daddy, pero hindi ko na mapigilan. Nabubulag ako ng galit ko sa kan'ya. S'ya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, kung bakit kami nagkahiwalay ni Sabrina. Kanina ng makita ko si Sabrina, gustong-gusto ko s'ya sugudin ng yakap. Sobrang miss na miss ko s'ya. Ang laki na ng ipinayat ng katawan n'ya. Nabalitaan ko na dinala s'ya sa ospital pagkatapos n'yang marinig na naospital ako dahil nabugbog ako ng boyfriend ng babae na ginalaw ko sa bar. Nahihiya ako sa kan'ya, baka isipin n'yang nakapag-move on na ako agad. Hindi n'ya alam na araw-araw ay lagi s'yang laman ng isipan ko. Nagawa ko lang naman iyon d