Chapter 55

2003 Words

Sabrina Pagkatapos ng anim na taong pagtira ko sa Manila, eto ako ngayon, muli akong nagbabalik dito sa Tagaytay, sa aming probinsya. Kung dati ay pabisita-bisita lang ang pagpunta ko rito, ngayon ay iba na dahil dito na ako muling titira kasama ang aking anak. Nakatanaw ako sa paligid habang sakay ng tricycle papunta sa bahay namin, napansin ko na halos bumalik na naman lahat sa normal at ayos ang buong lugar. Lahat ay nakaahon na mula sa pagkakalugmok noong pumutok ang bulkan, tatlong taon na ang nakakalipas. "Mommy, rito na po tayo titira?" tanong ng anak ko, "Hindi natin kasama si Mama George?" Huminga ako ng malalim, kailangan kong magpakaayos para sa anak ko. Alam ko na hindi lang ako ang nalulungkot ngayon sa pag-alis namin dahil ganoon din s'ya. Baka nga mas higit pa ang lu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD