Chapter 56

2254 Words

Sabrina "Anak, mauuna na kami ng Itay at ni Allie sa bundok," sabi ni Inay sa akin ng pumasok siya sa k'warto namin ng anak ko. Ang bundok na tinutikoy ni Inay ay hindi naman iyong literal na bundok na sobrang taas na inaaakyat ng mga mountaineer. Ang tinutukoy ni Inay ay iyong bukid na tinataniman nila ng kung ano-ano. Tinawag iyong bundok dahil mas mataas iyon ng konti sa normal na lupa. Parang talampas ang itsura. Ewan ko ba kung bakit bundok at hindi talampas ang tawag nila roon, bata pa lang ako ganun na ang tawag nila. Malawak ang lugar na iyon pero magkakaiba ang may-ari kaya marami rin iba pang tao ang nandoon. "Po? Bakit po ang aga naman, Inay?" tanong ko, habang nagkukusot ng mata. Inaantok pa ako, sanay naman akong gumising ng maaga sa Manila pero iba kasi ngayon dahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD