Sabrina Pagkaalis ni Charles ay agad akong napaupo pabalik sa couch, parang bibigay kasi ang tuhod ko dahil sa sinabi n'ya sa akin tungkol sa custody ng anak ko. Hindi ko kakayanin 'yun, ang anak ko na lamang ang nagiging lakas ko para maging matatag sa buhay at kung kukunin n'ya sa akin ang anak ko ay baka hindi ko na kayanin pa, ikakamatay ko! Pagtunog ng doorbell namin ang nakaagaw ng pansin ko, kaya naman kahit na parang nanlalambot ang mga tuhod ko ay pinilit ko pa rin tumayo para tingnan kung sino ang nasa labas ng bahay. Paglabas ko ng pinto, si Georgina ang natanaw ko sa labas ng gate namin. Automatic na napangiti ako sa kabila ng nararamdaman ko ngayon. Kailan ko ba s'ya huling nakita? Tatlong araw na ang nakalipas mula ng manggaling kami sa eco park na pinasyalan namin. Sobra