Chapter 27

2128 Words

Charles "Anong ginagawa mo rito?" tanong sa akin ni Sabrina ng maabutan n'ya akong bumaba ng kotse sa tapat ng bahay namin. Hindi ko alam kung saan s'ya galing dahil sakay s'ya ng tricycle ng lumapit sa akin. Napakunot ako ng noo ng mapagmasdan ko ang suot n'ya dahil para iyong uniform. "Ikaw, saan ka ba galing? At saka bakit gan'yan ang suot mo? Nagtatrabaho ka ba ha, Sabrina?" naiirita na tanong ko sa kan'ya. "Wala kang pakialam kung nagtatrabaho ako o hindi!" inis din n'yang sagot sa akin. Nilampasan n'ya ako at naglakad papunta sa kapitbahay namin na si Maggie, kaya sumunod ako. "May pakialam ako, dahil baka mapabayaan mo si Allie!" sabi ko ng hawakan ko s'ya sa braso para pigilan maglakad. "Bitawan mo nga ako!" sabi n'ya sabay piksi ng braso n'ya para bitiwan ko. "Huwag ka ng uma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD