Sabrina "Good morning!" masiglang bati ni Georgina ng pumasok sa loob ng k'warto n'ya na tinutulugan din namin ni Allie since na dumating kami rito sa condo n'ya. Tabi-tabi kaming natutulog na tatlo rito, nasa gitna namin si Allie. "Morning, ang aga mo naman nagising," sagot ko. Bumangon ako at naupo sa kama. Natutulog pa rin si Allie sa tabi ko. "Ipinagluto ko kasi kayo ng breakfast ni Allie," nakangiti na sagot n'ya sa akin. Ipinatong n'ya sa ibabaw ng kama ang dala n'yang pagkain na nakalagay sa maliit na table. "Breakfast in bed." Kapag ganito lagi kaganda ang taong masisilayan mo paggising sa umaga, parang ang ganda lagi ng araw. Ang swerte ng mapapangasawa ni Georgina, 'wag lang sana 'yung m******s n'yang boyfriend. "Salamat, hindi ka na sana nag-abala pa, kaya ko naman ng ma