Sabrina "Hon naman, pansinin mo na ako, wala naman talaga akong sinabi kay Inay Lourdes na gano'n eh, niloloko ka lang n'ya, defensive ka lang masyado," sabi ni Georgina habang kinakalabit ako sa braso. Nasa loob kami ng kotse n'ya kasama ang anak ko na nakaupo sa likuran. Pupunta kami ng bundok ngayon gaya ng sabi namin kay Inay. "Che! Huwag nga ako Georgina!" inis na sabi ko sa kan'ya. Kanina ko pa s'ya hindi kinikibo pagkatapos ng sinabi ni Inay. Naiinis ako talaga. "Sorry na kasi, wala talaga akong sinabi, promise!" sabi n'ya at nagtaas pa ng kaliwang kamay. "Kahit tanong mo pa sa anak natin. Hindi ba Baby, wala naman akong sinabi kay Lola mo?" Nilingon ko ang anak ko para hintayin ang sagot niya. "Opo Mommy, wala naman po sinabi si Mama, kay Lola," sagot ng anak ko, "sabi lang