Sabrina "Hon, aalis na ako," paalam ni Georgina sa akin bago s'ya humalik sa pisngi ko. "Ingat ka Hon," sabi ko, "sure ka ba na ayaw mong magpasama?" "Yes Hon, hindi na, kaya ko naman, at saka hindi naman ako magtatagal," sabi niya sa akin. "Bye na Baby, behave ka kay Mommy," paalam ni Georgina sa anak ko. "Yes po Mama, ingat po kayo tapos po pasalubong ko po mamaya," lambing ng anak ko, hinalikan s'ya ni Georgina sa noo. "Oo, dadalahan kita ng Jabee mamaya," sagot ni Georgina na nakangiti. "Yehey!" tuwang-tuwa sigaw ng anak ko. Nagpaalam kasi s'ya sa akin kagabi na may pupuntahan daw s'ya sa bayan at may kakausapin doon. Tinanong ko kung sino, ang sabi lang n'ya ay makikilala ko rin naman daw iyon kapag okay na at settled na, kaya hindi na ako nagpumilit pa. Ayoko naman na parang