Georgina "Kabit ko?" sabi ko habang sapo ang pisngi ko na sinampal ni Sabrina. "Ano bang sinasabi mo Hon? Ang sakit, ang bigat ng kamay! Feeling ko namamaga ang pisngi ko sa lakas ng impack ng ginawa n'ya. "Huwag ka ng magsinungaling pa, kita ko kayo ng sarili kong mata! Tinawagan pa nga kita kanina, at huling-huli ko sa bibig mo mismo ang kayabangan mo!" galit at umiiyak na sabi n'ya. "Ha?" tanong ko. Hindi ko talaga alam ang sinasabi n'ya. Tsk! "Umalis ka na! Tutal kaya ka nagsinungaling dahil sawa ka na sa akin!" sumobsob 'uli s'ya sa unan. Luh?! Saan nanggaling 'yung sawa na ako sa kan'ya? "Hon, hindi kita maintindihan. Pag-usapan natin ng maayos, okay?" mahinahong sabi ko. Hinawakan ko s'ya sa magkabilang balikat at pilit inihaharap sa akin. Wala akong ginagawang masama, kung