Georgina Pagdating sa tapat ng bahay namin, kaagad akong bumaba sa kotse ko, hindi ko na nga yata naayos ang pagka-park ko sa sobrang pagmamadali. "Mommy," sabi ko, pagkakita sa kan'ya sa living room namin at prenteng nakaupo habang hawak ang cellphone. Para akong nabutan ng tinik ng makita ang aking ina na nasa maayos naman na lagay. Akala ko kasi kanina ng tumawag si Dad sa akin at pinapauwi ako agad-agad ay may masamang nangyari kay Mommy. "Oh anak, ang aga mo yatang umuwi ngayon, may nangyari ba?" nakakunot ang noo na tanong sa akin ni Mommy. Unusual kasi na umuwi ako ng ganitong oras, dahil since naman natutulog na ako sa bahay nina Sabrina ay Monday na ako malimit na umuwi sa bahay. "Tinawagan kasi ako ni Dad kanina, pinapauwi ako ASAP, kaya akala ko may nangyari na," sagot ko