MARTHA "HECTOOORR!" Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking higaan at pawisan akong hinihingal sa aking pagkakahiga. "Panaginip lang pala," wika ko saka ako napatingin sa aking anak na natutulog na sa aking tabi. Hinimas ko ang ulo ng anak ko na tulog na tulog na. Pinili kong tumabi sa anak ko upang sa ganoon ay maibsan ang kanyang pagka-miss sa kanyang ama. "Uuuhhmm." Gumalaw ang anak ko sa kanyang higaan at saka tumingin sa akin. "Nanay, where is tatay?" Tanong niya saka nagkusot ng kanyang mga mata. Tumitig lang ako sa kanyang mga mata. Nakabukas pa rin ang lampshade kaya't nakikita ko ang kanyang mga mata na ngayon ay inaantok pa rin. "He's not here anak, I am here for you." Hinimas ko ang kanyang ulo saka ngumiti. "Where is he nanay?" "He's in his place anak," garalgal an