MARTHA NABUHAYAN ako ng loob nang marinig ko iyon mula sa kanya. Hindi lang iyon basta bastang nabanggit niya, napanaginipan niya pa ako. Hindi ko alam kung maaalala niya ang tungkol doon paggising niya ngunit natitiyak kong mayroong chance na bumalik ang alaala niya sa akin. Malakas ang aking kutob na baka ngayon o sa makalawa ay babalik na iyon. Nang gabing iyon ay hindi na ako nakatulog. Panay ang pag-aabang ko na baka maulit iyon at marinig kong muli sa kanya ang pangalan ko. Hanggang sa kinaumagahan ay hindi na iyon naulit. Sa tantiya ko ay wala pang tatlong oras ang naitulog ko dahil sa pagbabantay. Hindi ko alam kung paano ko ba babalansehin ang pagiging puyat at ang aking pag-aasikaso lalo pa at kailangan ko pang palitan ng damit si Hector. Panigurado kong naihian na naman niy