MARTHA "MARTHA, don't go. Please! Babe!" Mula sa pagkakaluhod ay tumayo si Hector upang habulin ako. Ngunit sa hindi ko inaasahan ay sinuntok ni Arthur si Hector dahilan upang matumba siya. Wala nang lakas si Hector. Nagapi siya ng kanyang damdamin. Kung tutuusin ay kayang kaya niyang patumbahin si Arthur ngunit dahil nasasaktan siya ng husto ay hindi niya nagawang lumaban. "Tataaayyy!" Sigaw ng anak ko na nag-aalalang lumapit sa ama. Ngunit si Arthur ay mas mabilis kaya't nahagip niya ang anak ko sabay karga dito. "Let me go!" Pumiglas ang anak ko at saka umiiyak na tumingin sa kanyang ama. "Let's go, Martha!" Hinawakan ni Arthur ang kamay ko at buong pwersa niya akong hinila palabas. Ang huling pagtatama ng mga mata namin ni Hector ay nang lingunin ko siya. Nakaupo siya sa sahig