MARTHA AGAD kong inempake ang mga gamit na mayroon ako dahil kaunti lang naman iyon at ang mga gamit ng anak ko. Nagdesisyon akong umalis na lang muna kasama ang anak ko. Hindi ko gusto ang nakita ko at dahil sa mga bagay na iyon ay hindi ko hahayaan na maimpluwensyan ang anak ko sa kung ano ang mga ginagawa ng kanyang ama. Masama ang loob ko. Sobra. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng aking nakita. Narealize ko ang mga sinabi ni Melissa sa akin. Hindi lang ako nag-iisa. Marami kami. Ilang babae pa kaya ang naregaluhan niya ng pulang dress? Shocks! Naimagine ko ang lahat ng iyon. Hindi ako makapaniwala na nabilog niya ang ulo ko. The video is enough for me to know that he cheated. That damn woman really ruined everything. And Hector, wala siyang pinagbago. Naglahong parang bula a