MARTHA ANG DATING mahal ko ay para bang kaaway ko na ngayon sa anak ko. Nakadama ako ng kakaibang takot dahil sa aming dalawa, ako ang talo kapag pinag-usapan si Hercules. Alam kong mahal na mahal ng anak ko ang kanyang ama at hindi niya kayang mawalay ito sa kanya. Kahit pa kasama niya ako ay si Hector pa rin ang hanap niya, kaya't sa laban na ito ay dehado ko. "No matter what you do, you can never change the mind of my child. He loves me Martha, and I will use that love to get him, he deserves a good father!" Hindi ko maintindihan ang bagay na ito sapagkat paanong nagkaroon siya ng alaala kay Hercules? Bawat alaala na mayroon siya sa anak ko ay naroon ako. Paano nangyari iyon? Malakas ang kutob ko na sinasadya ni Hector ito at nais niya lang akong gantihan sa mga bagay na nagawa ko