Kahit sinabi ko sa kanyang na nagmumukha siya baklang trying hard ay di ko pa rin maiwasang titigan kong paano niya dalhin ang kanyang sarili. Ayoko mang aminin ay kumakabog ang aking puso kapag nasa malapit siya. Kapag tinititigan niya ako na pakiramdam ko ako ang pinakamagandang babaeng kanyang nasilayan sa buong buhay niya. Kumikislot ang aking puso sa mga simpleng gesture niya ng paghawak ng kamay, lalo na ang pagpulupot ng braso sa bewang ko na nag-ani ng di matawarang kilig sa aking sistema. Unti-unti natutunaw ang yelong pinalibot ko sa aking puso. Unti-unti pinasok ni landon ang aking sistema. Unang pakiramdam sa tanang buhay ko na naging komportable ako sa isang lalaki sa unang pagkakataon. Syempre exempted si dax dahil matagal din bago ko yun nakapalagayang loob. Kakaiba a