Isang napakagandang tanawin ang hinintuan ng kabayong sinakyan nila. Halos higitin ni tessa ang hininga nang masilayan ang kabuuan ng remedyos. "This is where rave and freedom's wedding was held. Dito palageng dinadala ni rave si free noon. Breath taking isn't it?" Napangiti at tumango si tessa. Puno at talahiban ang dinaanan nila pagkatapos ay may arko silang nadaanan. Papunta sa burol ay iba't ibang tanim na maganda sa paningin ang kanyang nakikita. Even sweet periwinkle which captured her eyes. Maaliwalas din ang hangin dahil papagabi na at nang huminto ang kabayo sa tuktok ng burol at masilayan niya ang napakaraming kabahayan ay napakagandang pagmasdan ng kabuuan ng remedyos. "Why did you bring me here?" Itinali ni landon ang kabayo sa isang puno saka siya neto nilapitan. Niyaka