Sorry

1711 Words

Chapter 10 Sorry Sampung meetings na ang nadaluhan ko simula pa kaninang umaga. Mabuti na lamang at napakiusapan ko si Natasha, pansamantalang siya ang sekretarya ko sa lahat ng pinaunlakan kong meetings. Wala si Marcelina.. Hindi siya pumasok. Nilukot ko ang papel na hawak-hawak ko. Wala akong pakialam kung business proposal na naman yun. Malakas kung inihagis sa kung saang parte ng opisina ang papel na nalukot. Damn it! Pagod kong isinandal ang likod sa swivel chair at minasahe ang sentido. Shit! Why do I miss her presence? O baka naman nakokonsensiya lang ako dahil sa ginawa ko kahapon? Ayon sa janitor, nag-overtime daw kahapon si Marcelina. Nadatnan ko nga siya. Pero hindi ko naman inaasahang tatapusin niya ang lahat ng paperworks niya. Anong oras na kaya siyang nakauwi?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD