Chapter 9 Patakaran Hindi ko mapigilan ang panginginig ng buong katawan ko habang hawak ang door knob ng pinto. Nakita ko kasi kanina, ang nag-aapoy na galit sa mga mata ni Sir.. Alam ko namang galit siya e.. Galit na galit. May nilabag ako sa patakaran niya oo, pero gutom na gutom na talaga ako. Kung buong maghapon akong magtatrabaho na walang laman ang sikmura ko, hindi ko kakayanin yun. Baka himatayin pa ako. Umiling ako.. Hindi naman to kababawan lang diba? Binuksan ko ang pinto at muli itong isinara. Pagharap ko, nagkasalubong kaagad ang mga mata namin ni Sir Clyde. Naroong nagtatalo ang isip at puso ko, ngingitian ko ba siya o hindi? Baka sakaling mabawasan ang galit niya o asar niya sa akin? Mas mabuti sigurong hindi na lang..? Alanganin akong yumuko Sa ngayon hindi ko k