Lunch

904 Words
Chapter 8 Lunch May isang linggo na rin ang nakakalipas simula noong lumuwas si Kuya.. Katulad ko ay atubili rin siyang tanggapin ang sobreng ini-abot ni Sir Clyde sa akin. Pinagtalunan pa namin ang bagay na yun nung una. Pero, dahil sa sinabi kong ibabawas sa sahod ko ang kabayaran nun, napapayag ko na rin siya. Halos isang oras siyang nanatili sa trabaho ko bago napagdesisyonang umuwi..  Nang sa gayun ay maasikaso niya na ang problemang naiwan sa probinsiya. Hindi ko alam kung magkano ang perang laman ng sobreng yon. Tanging si Sir Clyde at Kuya lamang ang nakakaalam nun. Isinandal ko ang likod sa upuan.. tinagilid ko ang ulo ko, habang diretsong nakatanga sa laptop na naroon sa mesa.. titig na titig ako dun sa laptop, pero sa totoo lang, wala naman dun ang atensiyon ko. Nakatunghay lang ako dun pero lumilipad ang utak ko ngayon. Pinipilit kong intindihin ang mga mensaheng nilalaman niyon. Napabuntong-hininga ako. Sa loob ng isang linggo. Bihira kong makausap si Sir Clyde. Panay lang ang tango niya sa akin. O kung di man, sa tuwing inuutusan niya ako, tunog lang ng intercom ang siyang nagiging daan ng pag-uusap namin. Binibigyan niya ako ng mga instructions. Ni hindi na rin ako pumapasok sa loob ng opisina niya. Ang sabi niya, may intercom naman. Tama naman siya..  pero, weird. Weird talaga... .. kasi pakiramdam ko umiiwas siya? Iniiwasan niya ba ako? Napailing ako sa na isip ko. Porket pinahiram lang ng pera, nag fe-feeling close na ganun? Nakapangalumbaba na ako ngayon sabay buntong-hininga ulit.. Pero kakaiba talaga ikinikilos ni Sir, dati naman kasi. Sa tuwing binabati ko siya ng good morning, o ng good afternoon, o ng goodbye Sir, kahit pa paano naman tinatapunan niya ako ng tingin. Bakit ngayon hindi na? May nagawa ba akong mali? O baka naman nagsisisi na siyang tinanggap niya ako bilang secretary niya? O puwede kayang nagsisisi siyang pinahiram niya ako ng pera? Ahh!!! Mababaliw na ako kakaisip dito! Teka... boss ko yun e, at empleyado niya naman ako, natural lang naman siguro yun diba? Ano bang aasahan ko?  Especial treatment galing sa kanya? Haaay... na mi-miss ko na kasi ang mga mata niya, very foreign kasi. Bihira lang ako makakita ng ganoong klaseng kulay..  hazel eyes.. "Hi..!" Naputol ang pag muni-muni ko ng marinig ang pamilyar na boses na yun. Umayos na din ako ng upo. At kunwari ulit may tinitingnan na naman ako sa laptop na nasa mesa. "Ang sipag natin a, It's past twelve already, hindi ka pa rin ba nag-la-lunch?" Lunch? Oo nga, nakalimutan ko na. At oo nga, nakalimutan ko pala ang baon ko sa sobrang pagmamadali ko kanina. May dala naman akong pera, pero sapat lang pamasahe ko pauwi. Kaya ko naman siguro ang hindi makapananghalian? Pero iyong maglakad pauwi? Never, baka ikamatay ko pa. Kaya titiisin ko na lang muna ang gutom? Kaysa ang maglakad ako pauwi? "C'mon, let's go out for a lunch..?" Sa tindi ng gutom na nararamdaman ko. Nag-alburuto ang sikmura ko. "Please.?" Heaven.. papayag ba ako? Pagbibigyan ko ba si Vlad? O baka naman angel in disguise itong si Vlad ngayon? "Hindi naman siguro magagalit si Insan niyan diba? To think na break time mo naman?" 'O Vlad, kahit na nakakahiya at nagmumukhang 'pg' ako. Haaay.. magpapakipot pa ba ako?  E, gutom na gutom na talaga ako. "Sa isang kondisyon?" Larawan sa mukha ni Vlad ang katuwaan. "Spill it.." ngumiti siya sa akin. "Sa fast-food chain lang tayo okay?" Tumango muna siya bago ulit ako binigyan ng isang matamis na ngiti. At pagkatapos ay sumuntok sa hangin. Natawa ako sa ginawa niya. Pero bago ako tumayo pinindot ko muna ang intercom at nagpaalam kay Sir Clyde. Baka kasi biglang lumabas o may i-utos habang wala ako. ---------------------------- It's been an hour, simula nang magpaalam si Marcelina.. but until now, hindi pa rin siya bumabalik. Hindi pa rin yata tapos mag-lunch? Dati naman kasi, hindi pa umaabot ng thirty minutes ay nakakabalik na siya ulit sa puwesto niya. How come ngayon wala pa rin siya--? Kung tutuusin, break time pa rin naman. Pero hindi ako mapalagay. Saan naman kaya nagpunta ang babaeng yon? Napawi ang pag-aalala ko, dahil mula sa kinatatayuan ko, natatanaw ko ang dalawang taong masayang nag-uusap.. may pahampas-hampas pa siya sa braso ng gagong yun! Damn! Kaya naman pala e, Naikuyom ko ang palad at mahigpit na hinawakan ang ballpen sa kanang kamay ko. "And where have you been?" Sabi ko ng tuluyan na silang makalapit sa kinatatayuan ko. Hindi nila ako pansin kasi, busy'ng-busy sila sa pag-uusap. Pareho pang nakangiti. Sarap pag-uuntugin ng mga ulo nila. Lalo na itong  si Vlad. Ang sarap sarap niyang sugurin ng suntok. Yung pinakamalakas na suntok. Napawi ang ngiti sa labi ni Marcelina, habang nanatili namang kalmado ang gago kong pinsan. "I invited her for lunch, wala naman sigurong masama--" "Im not talking to you.." Diretso kong saad at matalim siyang tinitigan. "S-sir--" She's stuttering.. na realized na ba niya ang pagkakamali niya? That asshole is on the list! Bumaling ako sa kanya. I can't help it but f**k! This is really frustrating! My jaw was clenching.. Damn it! "You know the rules, Marcelina.." Nakita ko ang pagbalatay ng takot sa mga mata niya. "Come inside,.." Tumalikod na kaagad ako pagkatapos ko iyong sabihin sa kanya. Narinig ko pa ang pamamaalam nila sa isa't-isa. Shit! At nagpapaalam pa talaga 'tong gagong 'to kay Marcelina?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD