Chapter 22 Bakit? Magco-commute na lang dapat ako papuntang sakayan ng bus terminal. Ang kaso, mapilit ang boss ko. Ilang ulit ko na ngang tinanggihan pero sumige pa rin. Kaya pumayag na lang din akong maihatid niya sa bus terminal. Hapon na nang magpaalam ako kay Sir Clyde. Tinapos ko pa kasi ang mga maiiwan kong gawain. Hindi na ako nag-abala pang magdala ng sangkatutak na gamit. Tanging shoulder bag ko lang ang tangan ko, na naglalaman ng importanteng gamit. Tulad ng wallet, at telepono ko. Hindi na rin ako nagdala ng mga damit. Marami pa naman akong bakanteng damit na nasa probinsiya. Isa pa, naisip ko. Isang linggo lang naman akong mawawala. "Mag-iingat ka dun a? 'Wag kang papaligaw." Si Lance. Makulit pa rin ang isang to. Nagpumilit ngang sumama. Hinampas ko ang braso niya ha