Chapter 23 Sinungaling Halos mabingi ako sa lakas ng sampal ni Tatang. Sa gulat ko muntikan na akong matumba. Hindi ko inaasahang ito ang isasalubong niya sa akin. Ito rin ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Nakaramdam ako ng hapdi sa gilid ng aking labi. At upang makumpirma kung may sugat ba. Inangat ko ang aking kamay at dinantay ito roon. Nang maibaba ko na ang kamay ko, nagkatotoo nga ang aking hinala dahil dumudugo nga ang gilid ng aking labi. Hapdi at kirot ang nararamdaman ko mula sa nakuhang sugat. Ngunit, nananaig sa akin ang pagdaramdam. Pagdaramdam sa isinalubong ni Tatang. Kayang-kaya ko namang indahin ang hapding nagmumula sa sugat pati na rin ang patuloy na pagdurugo nito. Pero.. ang hindi ko kaya, ay ang makitang galit na galit si Tatang. Hindi ko matangg