Chapter 24 Goodbye Malungkot ang mga mata ni Manong guard ng makasalubong ko siya. Gayunpaman, nakangiti ko pa rin siyang binati. Napipilitan siyang tumango sa akin, at muli nang naging seryoso ang dati nang matigas na ekspresiyon ng mukha. Nalilito akong nagpatuloy sa paghakbang. Patungo ako sa elevator. Mayroon kayang nangyari noong mga panahon na wala ako? Kunsabagay, paano ko ba malalaman ang mga kaganapan, kung higit sa isang linggo akong hindi nagparamdam? Dalawang buwan akong M.I.A. (missing in action, sa termino ni Rico). Sa loob ng dalawang buwan na yun, ilang beses akong tinawagan ng boss ko, maka ilang beses ko rin iyong hindi sinagot. Pati nga text messages niya ay inisnab ko rin. Hanggang sa tuluyan na akong nagpalit ng numero. Tapos ngayon, nandito ulit ako. Ang kapal