KASABAY ng pagkamatay ni Lucifer, kasama na rin niyang nawala ang lahat ng mga alagad at kampon niya sa buong Elementalika. ***** DAHAN-DAHANG iminulat ni Venus ang mga mata niya. Naramdaman niyang basa ang pisngi niya. Nakaramdam agad siya ng kaba pero hindi niya ito pinansin. Nagulat kasi siya nang makitang asul na ang langit. Nakapaikot na rin sa buong Elementalika ang singsing na bumabalanse rito. Doon niya naalala, nakikipaglaban nga pala sila kay Lucifer kani-kanina lang. Napatayo siya. Medyo nagulat siya dahil bumalik na uli ang lakas niya. Iniikot niya ang paningin niya. Wasak-wasak ang paligid. Nakita rin niya na nawasak ang kabuuan ng bundok Husnei. Naglakad-lakad si Venus. Nakita niya ang nakahigang si Neptune. Nilapitan niya iyon at inalog-alog ang balikat. "Nep..." Dahan-
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books